Martes, Setyembre 20, 2016

Internet at Social Media sa ating buhay

Sa panahon ngayon halos lahat na mga tao sa buong mundo ay gumagamit na ng Internet upang makasali sa mundo ng Social Media. Bago natin malaman ang impluwensya ng Internet at Social Media alamin muna natin kung ano ang Internet, sa panahon ngayon ito ang pinakamalawak na daluyan ng impormasyon sa buong mundo.




Sa positibong pananaw, sa aming mga studyante ito ay tumutulong upang maibsan ang bigat ng aming mga proyekto at takdang-aralin, tinutulungan kami upang mas maunawaan kung ano ang aming mga pinag-aralan at higit sa lahat malalaman natin kung ano-anu ang mga nangyayari sa buong mundo dahil ang Internet ay isa sa mga may pinakamahalang parte sa ating henerasyon ngayon. Mahigit 98% ng populasyon ng tao ang gumagamit ng Internet ayon sa aming pananaliksik.

Social Media naman ang mundo kung saan, kadalasan ginagamit ang Internet upang magkaroon ng komunikasyon sa mga tao saan man sulok ng mundo. Malalaman natin lahat ng mga balita, pangyayari o mga patok na mga bagay malapit o malayo man sa atin. Ina-aliw tayo sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga katawa-tawang video at larawan. Ito rin ay ginagamit upang tayo ay maipahayag ang ating mga karanasan, kaalaman, emosyon at marami pang iba gamit ng facebook, twitter, intagram at iba ipa.

Sa kabilang aspeto, may ilan rin sa mga estudyante na ina-abuso ang paggamit ng internet o sa negatibong paraan. Isa rito ang pagtatagal sa social media gamit ang internet kaya naman pagdating sa skwelahan ay puyat o kaya naman ay natutulog, may ilan rin na tinatamad dahil sa kakulangan ng tulog. Mayroon ring nawawalan na nang konsentrasyon sa pag-aaral dahil kahit na nasa skwelahan ay gumagamit parin ng internet para makakonekta sa social media. Kahit na habang nasa klase ay gumagamit ng facebook, panay ang pag-twitter at naglalaro na lamang dahil nawawalan ng gana sa pag-aaral dulot ng UV rays na galing sa internet na pinapahina ang ating pagiging aktibo sa klase. Sa social mediadin natin nalalaman ang mga masasamang bagay depende sa kung paano natin ito gamitin. Ang iba ay ginagamit ito upang manira ng iba, malaman ang mga bagay na hindi pa ang angkop para sa kanilang edad at mga salitang bastos kung bigkasin.

Natututong gumamit ng mga balbal na salita ng mga jejemon, atchup boulevard, gay lingua, nigga, at marami pang iba. Nakadepende din ito sa mga tao kung paano nila ito bigkasin o ipahiwatig.

Samakatuwid ang internet at social media ay may ibat-ibang epekto sa mga tao, marami rin itong dala na impluwensya sa ating pagkatao ngunit kahit ano paman ang dulot nito sa ating buhay, nasasa-atin parin ang desisyon kung paano ito tatanggapin, bigyang kahulugan at ipahiwatig.


2 komento:

  1. Play online casino for real money | KAdang Pintar
    Play online casino for real 제왕 카지노 money at KAdang 인카지노 Pintar. Discover the casino 온카지노 games you can play for real money with KAdang Pintar!

    TumugonBurahin
  2. The best casino games for android & iOS - Jammyhub
    Check out our list of the 김포 출장마사지 top casino games for 서산 출장마사지 Android & iPhone. Enjoy amazing slots, table 성남 출장마사지 games, and 광명 출장안마 great table games anytime. Rating: 3.9 · ‎17 reviews 영주 출장안마

    TumugonBurahin