Sa
panahon ngayon halos lahat na mga tao sa buong mundo ay gumagamit na ng
Internet upang makasali sa mundo ng Social Media. Bago natin malaman ang
impluwensya ng Internet at Social Media alamin muna natin kung ano ang
Internet, sa panahon ngayon ito ang pinakamalawak na daluyan ng impormasyon sa
buong mundo.
Sa
positibong pananaw, sa aming mga studyante ito ay tumutulong upang maibsan ang
bigat ng aming mga proyekto at takdang-aralin, tinutulungan kami upang mas
maunawaan kung ano ang aming mga pinag-aralan at higit sa lahat malalaman natin
kung ano-anu ang mga nangyayari sa buong mundo dahil ang Internet ay isa sa mga
may pinakamahalang parte sa ating henerasyon ngayon. Mahigit 98% ng populasyon
ng tao ang gumagamit ng Internet ayon sa aming pananaliksik.
Social Media naman ang mundo kung saan, kadalasan ginagamit ang
Internet upang magkaroon ng komunikasyon sa mga tao saan man sulok ng mundo. Malalaman
natin lahat ng mga balita, pangyayari o mga patok na mga bagay malapit o malayo
man sa atin. Ina-aliw tayo sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga katawa-tawang video
at larawan. Ito rin ay ginagamit upang tayo ay maipahayag ang ating mga
karanasan, kaalaman, emosyon at marami pang iba gamit ng facebook, twitter,
intagram at iba ipa.
Sa kabilang aspeto, may
ilan rin sa mga estudyante na ina-abuso ang paggamit ng internet o sa
negatibong paraan. Isa rito ang pagtatagal sa social media gamit ang internet
kaya naman pagdating sa skwelahan ay puyat o kaya naman ay natutulog, may ilan
rin na tinatamad dahil sa kakulangan ng tulog. Mayroon ring nawawalan na nang
konsentrasyon sa pag-aaral dahil kahit na nasa skwelahan ay gumagamit parin ng
internet para makakonekta sa social media. Kahit na habang nasa klase ay
gumagamit ng facebook, panay ang pag-twitter at naglalaro na lamang dahil nawawalan
ng gana sa pag-aaral dulot ng UV rays na galing sa internet na pinapahina ang ating
pagiging aktibo sa klase. Sa social mediadin natin nalalaman ang mga masasamang
bagay depende sa kung paano natin ito gamitin. Ang iba ay ginagamit ito upang
manira ng iba, malaman ang mga bagay na hindi pa ang angkop para sa kanilang
edad at mga salitang bastos kung bigkasin.
Natututong gumamit ng
mga balbal na salita ng mga jejemon, atchup boulevard, gay lingua, nigga, at
marami pang iba. Nakadepende din ito sa mga tao kung paano nila ito bigkasin o
ipahiwatig.
Samakatuwid ang
internet at social media ay may ibat-ibang epekto sa mga tao, marami rin itong
dala na impluwensya sa ating pagkatao ngunit kahit ano paman ang dulot nito sa
ating buhay, nasasa-atin parin ang desisyon kung paano ito tatanggapin, bigyang
kahulugan at ipahiwatig.